Dona

Done has found her loving forever home!

 

Dona was rescued a few months ago in front of the McDonalds on Ayala Avenue. She was extremely weak and could barely move. CARA brought her to a clinic where she was diagnosed with severe worm infestation and dehydration. She is now a friendly and healthy cat!

 

 

 

 

2 thoughts on “Dona”

  1. is that the same cat i saw in front of Metrobank building in Ayala..? kamukha kc niya…

  2. Dear CARA,
    GOOD DAY po, Ako po si Elaine Nicolas na nakatira sa Tuktukan Taguig City. Sumulat po ako sa inyo para humingi ng tulong para sa alagang aso ng aming Uncle na si Papi. Nakatira po kami sa iskinita dito po sa Brgy. Tuktukan. Magkapitbahay po kami.
    Si Papi po ay isang Mixed Labrador, half askal, half lab at ang kulay nya ay choco brown. Siguro nasa 8 months old na po si Papi. Ang family po ng uncle ko ay payak lamang po ang pamumuhay.
    August 20, ng umuwi ako pagkagaling sa pinapasukan ko trabaho mga 10 am, binalita ng nanay ko na Inaatake si Papi. Naglalaway sya at naninigas. Ang ulo nya po ay palinga linga, at ang brown eyes ay parang confusing. Nagtaka kami kasi nga naging magana naman kumain si Papi last Saturday and Sunday. Alam ko na hindi sya ok kya ngprisinta ako na dalhin sya sa vet malapit sa min.. Nagbaha pa naman sa place namin. At tuloy tuloy pa ang ulan but praying sana ok lang si Papi.
    Ang Vet Doctor assessment, si Papi ay may Canine distemper. Ala pa akong idea tungkol dun pero sinabi ng doc sa kin “wala ng pag asa yan. Mas mabuti na –imercy killing na sya.”as in agad agad… nabigla ako sa sinabi nya at ang sabi ko wag po,. may iba pa bang paraan para mabuhay si Papi? Pinaliwanag nya sa kin na wala pa daw gamot sa ganun sakit ng aso as for now.
    “Pero pwede naman natin subukan, pero magastos ang gamutan at ang mga gamot nya, kaya pag-isipan mo”. Ilalaban mo ba sya? Pero walang kasiguraduhan na gagaling sya. Magiging ok sya pero babalik uli ang sakit nya pag bumaba ang resistensya nya “ Napatingin ako kay Papi sa kanyang brown eyes na parang nagsasabi Please Elaine help me.
    Bread winner ako ng family namin. And di sapat ang kita ko para idagdag ang medication ni Papi ang mother ko ay may diabetes at insulin dependent pero sabi ko. Ok sige, Papi Try natin. Subukan natin. Hindi tayo susuko.
    Ayaw ko sya iabandona ng ganun na lang at pabayaan na mamatay na lang. Gusto ko sya ilaban.kaya humihingi ako ng tulong sa inyong foundation. Please tulungan po natin si Papi. Please tulungan nyo po ako. Pinagdarasal ko kay God na sana gamitin nya ako hindi sa pamamagitan ng mercy kill pero gawin nya akong instrument sa tulong nyo po sana na bigyan sya uli ng chance na mabuhay pa ng matagal.
    Iniisip kong may pag asa kaya nag search ako sa internet about sa canine distemper. Mostly ang sabing lunas as mercy killing kaya parang hopeless ako pero pag naalala ko si papi ang kanyang mga maamong mata sabi ko sige hanap pa ako ng ibang paraan. At may mga nasearch pa rin ako na may gumaling sa Canine distemper. Kaya nabuhayan ako ng pag-asa.
    Magastos talaga ang gamutan. Kaya siguro maraming owner na sumusuko na lang at pinababayaan mamatay ng kusa na hindi pinapagamot. Masakit isipin na kaya ko sya dinala sa vet doc para gumaling pero ang irerekomenda sa kin ng doctor ay mercy killing. Pwde ba no kill?
    Mahal ko si Papi at siguradong mamahalin nyo rin po sya. Si Papi ay very playful, charm, sweet and kindness. Nawawala ang pagod ko galling work every time na nakikita ko sya.kahit hindi ko sya aso Nakikipaglaro, palagi nya nakukuha ang aking atensyon. Para nga syang bata. Every time makikita nya ako lumabas ng bahay upang bumili sa tindahan sumusunod sya. As in parang bata na gusto magpabili sa tindahan.
    He always give me a smile.. and his brown eyes look at me na parang nagpapaawa, nangugusap.. at nagsasabi.. “please help me and I want to live”… siguradong pag napatingin kayo sa kanyang mga brown eyes. Magugustuhan nyo po sya, as in ma-fall in love with him. Marami na kayong natulungan na cases sa mga dogs and cats. Tulad nyo po may , meron din po akong advocacy for life. Bumabangon pa si Papi. Gusto pa nya mabuhay. Please Help him…
    Eto po ang aking address at contact number, 09292263658, 04 Ambagan Street Tuktukan Taguig City. Sana hindi pa huli at matulungan po natin si Papi. Sa ngaun nakabili ako ng medicines nya para sa 5 days and the rest bahala na…kung kaya pa.at sana kayanin ko pa. kaya humihingi po ako ng tulong sa inyo sa mga volunteer at vet doc na tulungan nyo po ako mapagamot si papi. Alam ko para sa iba, mag aaksaya ako ng pera pero alam ko na walang maakaksaya para sa isang buhay na linalang ng May Kapal. Isa itong paraan na naisip ko para mas matulungan ko si Papi sa tulong nyo po. alam ko hindi sapat ang magagawa ko kaya buong puso po ako humihingi ng tulong at suporta para kay Papi.
    Sa ngayon , nakakatayo na sya pero ala pa rin ganang kumain. Pero patuloy po namin sya inaalagaan at pinagdarasal na gumaling sya.
    Nananawagan po kami sa mga mabubuting loob na tulungan at suportahan nyo po ako ipagamot si Papi. Sna may pag asa pa. Papi and I hoping for your quick respond. Please help Papi. Please rescue Papi. Marami pong salamat at umaasa po kami na isa kami sa inyong matutulungan. God bless and More power…

Comments are closed.